Hi. Ang tamad ko talagang bata. Hindi ako na-update ng.. matagal? HAHA. Ayoko din buksan emails ko. Ayoko sumagot ng tanong eh. Isa pa 'tong layout. Summer? It's a rainy season na kaya. Siguro papalitan ko 'to kapag nagkaoras na ako:) May oras naman talaga ako. Tamad lang ako eh.
So nakuha ko na ang list ng for this school year. I love National Bookstore so much pero ayoko mag back-to-school sale. Haha. Actually, ayoko mag-school. Ako lang ata ang hindi masaya. Mas masaya matulog at kumain buong araw. Manuod ng TV, tapos magtraining or mag-mall. Para sa mga tamad. Gusto ko din naman pumasok pero gunawa ako ng chart kanina, mas masaya ata pag walang pasok. Haha.
So medyo nagtagalog ako:)) Sabi ni mommy bat ba daw ako nahihirapan sa subject namin na filipino. Feeling ko hindi naman pero sabi din yun ng adviser ko. And pagmagtatanong ako sa classmates ko kung ano ibig sabihing "ng insert filipino word here", bibigyan nila ako ng isang mukhang naasar na natatawa na nacucute-an na ewan sa akin sabay sabi "Pilipino ka ba?" :| Wala lang. Eh naaasar ako sa sarili ko. Haha.
Bat ba ako nagbloblog? Wala. namiss ko lang. And pag bored ako, may magagawa ako. And I like it. Hindi naman kagandahan mga thoughts ko or boring man yung sinasabi ko or whatever, gusto ko lang:) Masaya naman ata magshare ng nararamdaman mo diba. Kahit walang kwenta or walang nagbabasa. Yun lang talaga yung dahilan bat ako nagbloblog. Pagsinisipag anamn ako, eh pinapalitan ko yung layout. And bonus nalang yung nagcocomment and nagtatanong ang bumibisita para tignan kung anong meron dito. Shempre masaya kaya pag may nagvivisit ng site mo na pinaghirapan mo. Ewan ko ba bat ako andtio sa diaryland eh mas gusto ko na ata ulit ang blogger:)) Oh well:)
Yuck. What a long post. As if may daily reader ako:)) Actually. Daily reader ako ng ibang tao. Parang ang ganda ng buhay nila. Hindi boring. Haha. Siguro nga boring ako, but hey, I love my life! (well, got to admit. minsan hindi pero, gets?)